pagtatawanan ba ninyo kung sasabihin kong bigla akong nagkaroon ng urge na kumausap ng random people sa internet? oo, chat. matagal ko ng iniiwasan mag-mirc, kasi may masama na akong nagawa noon, noong 2nd year high school ako, pero dahil di naman ako pwedeng lumapit sa isang tao sa kalsada't makipagusap, eh wala na akong magagawa.
kadalasan taga ibnag bansa ang kinakausap ko. mas matino kasi silang kausap. minsan naman nagkukunwari akong foreigner at di ako nagtatagalog. minsan nakipagchat ako't noong naghanap sya ng picture ay sinend ko ang picture ni tatsuya fujiwara (shuya nanahara from battle royale). at naniwala sya, mukha raw akong F4. hahaha. tawa na lang tayo.